Abante Tonite Interactive

Bawang at sibuyas, pantaboy sa lamok

426

Ang sibuyas at bawang ay hindi lang mabisang panggisa sa pagkain at pampalasa kundi epektibo rin itong pambugaw ng lamok at pangontra laban sa dengue.

Paano?

Bawang:

Balatan ang isang ulo ng bawang at hatiin ang bawat butil nito.

Pakuluan sa isang basong tubig.

Isalin sa spray bottle at iwisik sa paligid.

Mabisang pantaboy ng lamok ang halimuyak ng bawang.

Sibuyas:

Hiwa-hiwain ang sibuyas.

Palabasin ang katas, ilagay sa baso o bowl na may tubig at ibabad.

Maari itong ilagay sa sala, kusina o kuwarto para di lamukin.