Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bawas kilig: Alden ayaw ng pa-cute movie kay Maine

0 82

Partner ang habol ni Alden Richards ngayong 2021. Gusto na rin niyang may mag-alaga sa kanya dahil mula nang mag-artista siya marami na rin siyang inalagaan.

May nagtanong din sa Asia’s Multimedia kung may project ba silang gagawin ni Maine Mendoza next year. Nabuhay raw kasi ang AlDub sa Eat Bulaga.

So far, wala pang plano pero kung magkaroon bet niya ay mature na role. Kumbaga, ibang AlDub ang mapapanood dahil ang mga ginawa nilang proyekto ay puro pakilig,rom-com. Sana raw ay lumabas sila sa comfort zone nila at iba ang karakter na makita sa kanila ng mga AlDub fan.

Okey rin sa kanya ang mga bed scene pero dapat daw ay maganda ang istorya at may purpose kung bakit kailangang gawin ang naturang eksena.

Anyway, lahat ng naging leading ladies ni Alden ay iimbitahan niya na manood ng kanyang Alden’s Reality”virtual reality concert. Gaganapin ito sa December 8, 9PM (Philippine time).

Handog niya ito sa kanyang mga tagahanga para sa kanyang sampung taon sa showbiz.Ito ay sa direksyon ni Paolo Valenciano.

Tickets can be purchased by logging on to www.gmanetwork.com/synergy.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.