Abante Tonite Interactive

Bawas presyo ng petrolyo sa susunod na linggo

437

Batay sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis, posibleng may pagbaba sa bawas presyo na P0.80 sentimos hanggang P0.90 kada litro ng diesel, P0.40 hanggang P0.50 sentimos naman kada litro ng gasoline habang sa kerosene ay nasa P0.70 hanggang P0.80 kada litro.

Magugunitang nitong nakaraang Linggo ay nagpatupad ng malaking rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo. (Armida D. Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad