Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bawas-presyo sa gasolina lampas P1

0 203

Asahan ang muling pagkakaroon ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo simula sa Martes, Nobyembre 30, ayon sa mga taga-industriya.

Magkakaroon umano ng bawas presyo na P1.10 hanggang P1.20 sa kada litro ng gasolina habang 60-70 sentimo sa diesel at 50-60 naman sa kerosene.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito na ang pang-apat na linggo na magpapatupad umano ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa. Pinakahuling nagbawas-presyo sa mga produktong petrolyo noong Nobyembre 23.

Samantala, nabatid na ang Unioil Petroleum Philippines ay posibleng magkaroon muli ng bawas-presyo sa Disyembre 6. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.