Abante Tonite Interactive

Bawas presyo sa petrolyo sa susunod na linggo

397

May nakaambang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa anunsyo ng ibang mga kompanya ng langis, posibleng may pagbaba sa bawas presyo ng P0.30 sentimos hanggang 40 sentimos kada litro ng diesel, P0.25 hanggang P0. 35 sentimos naman kada litro ng gasoline habang sa kerosene ay nasa P0.30 hanggang 40 kada litro.

Magugunitang nitong nakaraang Linggo nagpatupad ng malakihang roll back ang mga kompanya ng langis sa bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Ang huling pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay noong Enero 21 na nasa P0.85 sa kada litro ng gasolina, P1.70 sa diesel, at P1.65 sa kada litro ng kerosene

Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo. (Armida Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad