Abante Tonite Interactive

Bawat Pinoy may utang na P73K

0 183

Somobra ng P178.6 bilyon ang ginastos ng administrasyong Duterte noong Setyembre kumpara sa mga kinolek­tang buwis, taripa at mga siningil na fees and char­ges ng pamahalaan.

Ang kakulangang ito, o ang tinatawag na budge­t deficit ay lumaki pa ng 86% kumpara sa budget deficit na iniulat nito noong Setyembre 2018 na nasa P96.2 bil­yon lamang.

“Government spen­ding continued to pick up and notched its highes­t monthly growth, while revenue growth was se­cond only to May of this year,” sabi ng Bureau of Treasury

Simula noong Agosto 2019, umaabot na sa P7.9 trilyon ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas. Kung paghahatiang bayaran ito ng bawat Pilipino, sanggol man o matanda, tig-P72,836 ang utang ng bawat isa sa populasyong 109 milyon na katumbas ng kulang kulang sa limang buwang sweldo ng minimum wage earner.

Ngayong taon, umaabot na sa P229 bil­yon ang budget deficit, o ang sobra sa ginastos kaysa sa kinita ng gobyerno.

Napopondohan ang mga sobrang gastusin sa pamamagitan ng pangu­ngutang. (Eileen Mencias)