Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayad muna 2 araw bago sumakay sa provincial bus

0 67

Bukod sa pagdadala ng travel pass at valid ID, kinakailangang magbayad muna dalawang araw bago sumakay ng provincial bus ang isang pasahero dahil para ito sa contact tracing, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Technical Division chief Joel Bolano.

Aniya, walang exemption hinggil dito kahit ang mga authorized person outside residence (APOR).

“Advance booking po ito, hindi po sila pwedeng magbayad nang nasa sasakyan na. `Yong mga nakasakay, nakabayad na po ito. Kailangan po para sa contact tracing natin ay may advance booking,” paliwanag ni Bolano.

Sinabi pa ni Bolano na hindi rin basta makakabiyahe kung walang travel pass galing sa Philippine National Police (PNP) at sa local government unit.

Base sa LTFRB Memorandum Circular 2020-051 na nilabas noong Sabado, 12 provincial bus route na papuntang Araneta Center Bus Terminal sa Quezon City at sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang magbabalik operasyon sa Miyerkoles, Setyembre 30. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.