Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayad-pinsala sa nadale ng bakuna aprub na

0 313

Handa nang ilabas ngayong Mayo ang indemnification package para sa mga binakunahan kontra COVID-19 na nakaranas ng matinding side effects o kahit iyong namatay matapos ang COVID-19 vaccination.

Ani PhilHealth Vice President for Corp. Affairs Shirley Domingo, aprubado na ang indemnification package at pinaplantsa na lamang ang pagpopondo rito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Approved na po ito. May guidelines ito. Iyong inaayos lang po natin ay iyong funding po nito. Siguro within a month or lesser mare-release na natin. Basta within this month,” pahayag ni Domingo sa Laging Handa press briefing ngayong Biyernes.

“Kung na-vaccinate sila [against] COVID-19 at nagkaroon sila ng serious adverse event ibig sabihin may matinding side effect, or kung ma-hospitalize sila or huwag naman sana, pero kung nabawian ng buhay dahil diyan. Lahat po ito pasok doon sa benefit na iyon,” dagdag niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.