Abante Tonite Interactive

Bayad utang ng mga employer pinalawig ng SSS

369

Binigyan pa ng pagkakataon ng pamunuan ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro matapos na palawigin ang pagtanggap ng aplikasyon para sa kasalukuyang Contribution Penalty Condonation Program (CPCP) hanggang Set­yembre 6, 2019.

Batay sa Resolution No. 453 series of 2019 ng Social Security Commission, ang policy-making body ng ahensiya, pinalawig ang deadline sa condonation prog­ram na unang inanunsyo na magtatapos sa Setyembre 1, 2019.

Binigyang-daan ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018 ang pagbibi­gay ng condonation prog­ram para sa mga employer.

Nakasaad sa natu­rang batas na maaa­ring magbayad ang isang delingkuwenteng employer ng lahat ng hindi nito nahulog na kontribusyon sa SSS sa loob ng anim na buwan matapos ipatupad ang RA 11199.

Nilagdaan ang RA 11199 noong Pebrero 7 at Marso 5 naman ito naging epektibo.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa programa, hinimok ng SSS ang mga interesadong employer na bumisita sa pinakamalapit na sangay ng SSS o tumawag sa SSS Call Center hotline 920-6446 hanggang 55, o mag-email sa member_relations@sss.gov.ph. ­(Dolly Cabreza)