Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayan Muna pumalag sa red-tagging ni Lorenzana

0 154

Iginiit ng grupong Bayan Muna na hindi basehan o ebidensya ang pagkasawi ng anak ng isa nitong mambabatas sa isang military encounter para sabihing may kaugnayan o koneksyon sila sa mga rebeldeng komunista.

Sinabi ito ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate kaugnay sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroon na aniyang basehan ng koneksyon ng Makabayan bloc sa mga rebeldeng komunista dahil sa pagkasawi ni Jevilyn Cullamat.

Ang 22-anyos na si Jevilyn ay bunsong anak ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Zarate, inaasshan na nila ang ganitong mga propaganda ng militar upang lalo pang palakasin ang red-tagging laban sa kanilang grupo.

Gayunpaman, giit ni Zarate na imbes na magpkalat ng propaganda ang dapat na harapin at tugunan umano ng pamahalaan ay ang ugat ng problema partikular kung bakit patuloy ang armadong rebelyon.

Nauna rito ay hinikayat ni Lorenzana ang Makabayan bloc para gamitin ang pagkakataon upang tuluyang itatwa ang mga rebeldeng komunista na walang ginawa kundi ang pumatay at napapatay nang dahil lamang kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison.

Nanawagan din si Lorenzana sa lahat ng mga magulang na maging alerto para hindi ma-recruit ng mga rebelde ang kanilang mga anak. (Eralyn Prado/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.