Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayan sa Leyte ni-lockdown

0 88

Magpapatupad ng community lockdown sa Pasko at Bagong Taon ang isang bayan sa Leyte para makontrol ang paglabas ng mga tao dahil sa coronavirus pandemic.

Sa nilagdaang Executive Order No. 82 ni Mayor Myra Georgina Arevalo, bawal pumasok sa bayan ng Palompon ang mga hindi residente sa Disyembre 24-25 at Disyembre 31, 2020 hanggang Enero 1, 2021.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nililimitahan din ang pagtitipon sa mga kabahayan sa sampung katao at maaari lamang ay mga immediate family member.

Exempted sa travel ban ang mga COVID-19 frontliner, medical, rescue, public utility, peace and order personnel, civil servant, media at mga nangangailangan ng medikal na atensyon at iba pang emergency. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.