Abante Tonite Interactive

Bayang at Balang, sino ang mas uso?

By
Paolo Ballesteros
9

TOTOO kayang inalis na nang tulu­yan si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga?

Lagare si Pao sa dalawang pelikula — Die Beautiful at Bakit Lahat ng Guwapo, May BF?

Pareho ba ng sinapit na kapalaran ni Keempee de Leon ang kinahinatnan ni Paolo?

Tikom ang bibig ng lahat.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

***

Pinag-usapan ang post ni Sunshine Cruz na, “Happy to see you Diego. Mahal ka namin ng mga kapatid mo” sa kanyang social media account.

Ano kaya ang masa­sabi rito ni Teresa Loyzaga?

Gagawin din kaya niya ang ganitong public post sa ibang anak ni Cesar?

***

Magandang gesture ang pagpapaunlak ni Bayang Barrios na kumanta ng Philippine National Anthem sa unang State of the Nation Address ni Presidente Digong sa July 25.

Si Bayang ay mula Agusan del Sur sa Min­danao na malapit sa puso ng pangulo.

Kilala si Bayang bilang supporter ni Grace Poe noong nakaraang eleksyon.

Ang kanyang pagpapaunlak ay magandang tanda ng pagkakabuklod at pagkakaisa.

Si Bayang din ang boses sa likod ng main theme ng Kapuso TV show na Encantadia.

Uso na uli si Bayang!

Say mo, Balang?!

***

Masaya ang GMA Artist Center star na si LJ Reyes sa pagdami ng mga sinehang nagpapa­labas ng indie film niya na Anino sa Likod ng Buwan.

Espesyal kay LJ ang nasabing pelikula na nagbigay sa kanya ng Best Actress award mula sa pinagpipitaganang Gawad Urian.

Tsika ni LJ, “I am very grateful to the people who helped us with our cry, isa lamang ito sa mga pelikulang Pilipino na pinagtuunan ng dugo at pawis ng bawat tao na kabilang sa produksyon.

“I hope that we don’t only support the mo­vie, but as we get enlightened by the story, may we be moved by its message and be more aware of the social and political situation of our nation. Patuloy po nating suportahan ang pelikulang Pilipino!”

***

Tatlong taon pagkatapos ng kanyang first film para sa Cinemalaya 2013 na Purok 7, Carlo Obispo comes up with 1-2-3, produced by Artikulo Uno na siyang napili upang maging OPENING FILM ng Cinemalaya 2016 sa August 5, Friday night in CCP Main Theater free admission.

Kasama sa pelikula sina Therese Malvar, Barbara Miguel, and introducing Carlos Dala in the lead role.

Also starring are Sue Prado, Patricia Javier, JC Santos, Anthony Falcon, Elijah Canlas, Luis Ruiz, with April Jasmin Rosales and Frances Makil Ignacio. Cine­matography by Carlo Mendoza, music by Pepe Manikan.

Samantala, ang historical biopic ni Gil Portes na Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli ang magi­ging closing film of this year’s Cinemalaya Philip­pine Independent Film Festival.

Based on the life and times of Apolinario de la Cruz, an almost forgotten hero who led a rebellion against the Spaniards in the name of equality and religious freedom during the early 19th century, Hermano Puli will have its gala premiere at the Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) of the Cultural Center of the Philippines on Saturday, August 13.

Kasama sa cast ng Hermano Puli sina Aljur Abrenica, Louise de los Reyes, Markki Stroem, Enzo Pineda, Kiko Matos, Ross Pesigan, Menggie Cobarrubias, Elora Españo, Stella Cañete-Mendoza, Alvin Fortuna, Sue Prado, Abel Estanislao, Simon Ibarra, Jun Nayra, Diva Montelaba and Aljur’s brothers, Vin at Allen Abrenica.

***

Nilabanan ni KC Concepcion ang kanyang fear of heights nang dalhin siya ng kanyang boyfriend na si Aly Borromeo sa pinakamataas na bar sa Hong Kong.

Masayang-masaya si KC na nakabalik sa pinakapaborito raw niyang city sa Asia — ang Hong Kong.

Sa showbiz kaya, kailan babalik si Kristina?

***

Umaasa ang mga taga-showbiz na makakalaya na sina da­ting Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Bilog ang gulong ng buhay. Parang si Rosanna Roces lang daw ‘yan, bilog na bilog!

Aba, kabog ni Osang sina Aiza at Charice sa kanyang love posts kasama ang mapapangasawa niya sa Disyembre.