Abante Tonite Interactive

Bayang karerista pabor sa lockdown extension

434

Malungkot pero tanggap ng mga karerista na nagkaroon ng extension ang Luzon lockdown mula sa Abril 13 patungo sa Abr. 30.

Ayon kay Cezar Delgado, 45 na taon ng karerista, mas mabuting pinahaba ang Enhanced Community Quarantine dahil patuloy na dumadami pa ang mga nakakapitan ng coronavirus disease 2019.

“Para sa kaligtasan naman natin, baka mamaya kapag na-lift baka lumala pa ang sitwasyon at lalo tayong malubog,” pahayag ni Delgado.

Marami ang nawalan ng trabaho nang ihinto ang operation ng karera, kasama sa naaektuhan ng lockdown ang mga telller, driver, sota, trainer, hinete at ibang nagta-trabaho kapag may karera ng mga kabayo.

Hinirit naman ni Francisco Mercado na isa ring beteranong karerista, na ayos lang ang bagong hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil kasama ang mga nabanggit na napektuhan ng ECQ sa amelioration program ng gobyerno.

“May pinost naman ang Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa kanilang website kung paano ang proseso kaya sundan na lang iyon para makakuha ng ayuda,” panapos na wika ni Mercado.

Pagbalik sa normal ay tiyak na magkakaroon ng karera sa buwan ng Mayo. (Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad