Abante Tonite Interactive

Bayani bagong ‘Bombilya King’

508

Ang yumaong Hari ng Komed­ya na si Dolphy ang orihinal na tinaguriang “Bombilya King”.

Bukod kasi sa ga­ling sa pagpapatawa, masasabing well-endowed din ang namayapang co­medy icon ayon na rin sa mga taong nakakakilala sa kanya.
May mga nagsasabing si Bayani Agba­yani na ang sumunod sa yapak niya bilang “Pambansang Bombilya”.

Judging kasi sa huling pelikulang ginawa ni Bayani na kapareha niya si Gelli de Belen, walang takot na rumampa nang naka-underwear lang ang bida ng “Feelen­nial” kung saan bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki.

Abante Hiring – IT dep

Sey ni Bayani, flattered daw siya kapag naikukumpara kay Dolphy pero medyo naaasiwa kapag binabansagan siyang bagong “Bombilya King”.
“Mabuti pa, tanungin niyo na lang si Lenlen (asawa ni Bayani),” pagbibiro niya.

Para kay Bayani, asset sa isang lalaki kung well-endowed ito pero para sa kanya, mas importante pa rin daw kung paano mo masa-satisfy o mapapaligaya ang iyong life partner.

“Hindi naman iyon ang pinakaimportante. Ang mas importante ay kung paano mo nagagampanan ang pagiging mabuting asawa mo sa partner mo at pagi­ging ama sa inyong mga anak,” sey niya.

Balik sa komedya si Bayani sa “Feelennial”. Kapareha niya ang Co­medy Queen na si Ai Ai delas Alas na palabas na sa mga sinehan sa buong bansa. (Archie Liao)