Abante Tonite Interactive

Bayani daks ang ‘Palo-Palo’

257

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMapapabilib ka kay Ba­yani Agbayani ‘pag kausap mo ito. Lumalabas ang kanyang katalinuhan at pagiging totoong tao.

Meron siyang pelikula na “Pansamantagal,” ipapalabas na sa March 20.

“Ito ang pelikulang magpapakilig at magpapatawa sa inyo ng sabay. Kapag nanood kayo, sinisiguro ko na ang pansamantalang katatawanan na hatid ng tandem namin ni Gelli (de Belen) ay magtatagal sa inyong alaala. Magaang katrabaho si Gelli dahil madali siyang kabatuhan ng mga linya,” sey ni Bayani.

Sa trailer pa lang, tumatatak na agad ang mga ­Pilipinong salita na hindi kadalasang binabanggit sa mga pelikula natin. Ang mga salitang supot, t*t* at kung big in Japan ba ito ang ilang halimbawa lamang na binibigkas sa pelikula.

Bago pa pala ang shoot, ipinaliwanag na direk Joven Tan ang tungkol sa mga nasabing linyahan. Kwento ni Agbayani, “Noong makita ko ang script, sabi ko, 50 na naman ako, it’s about time na gumawa ako ng mga da­ring roles. Hindi physically, kahit man lang verbally at saka sa istorya. Sabi ko, kaya ko naman ‘tong bitawan na hindi offensive. Kasi, nakikita ko naman sa gatherings na kapag nagbitaw ako ng medyo bastos, natatanggap nila.”

Ibinuking sa press payanig na nasita ang aktor sa pagbabahagi agad sa kanilang trailer na hindi pulido. Wala pa kasing warning nu’ng una na hindi pa puwedeng i-share. Ipinakita lang ito sa main cast.

Pero, hindi naman napahiya si Bayani sa paglalako nito dahil nga as of this writing, mahigit na 8 million views and counting ang naging mainit na pagtanggap rito.

Dahil sa trailer, ang diva that you love, tinanong si Agbayani kung may nagtanong na ba sa kanya kung ang palo-palo niya ba, ay sadyang pambihira?

Natatawa niyang tugon, “Wala naman. Pero ngayon, marami na ang nagtatanong. Pati sa mga threads-threads, tinatanong malaki ba talaga? Sabi ko, kayo naman, ano lang ‘yan, linya lang iyan mula script.”

Si Gelli, matagal na niyang kakilala at kaibigan, nagkasama na rin sa isang sitcom sa isang network at ito ang unang pagkakataong magkasama sila sa isang pangmalakasang pelikula.
***

Arjo lunod sa papuri ng mga co-actor

Ang mga kasamahan ni Arjo Atayde, ang pangunahing artista sa IWanTV series na “Bagman,” (ipapalabas na sa Marso 20) puring-puri ito dahil sa husay, galing at igting nito bilang isang actor.

Si Atayde, handang gampanan ang kahit na anong katauhan kasi nga ayaw niyang makahon sa iisang mahusay na pagganap. Nasa “The General’s Daughter” si Atayde na umeere sa kasalukuyan bilang binatang may autism at ibang-iba rin ang kanyang lalaking kumapit sa patalim na pagkatao sa 12 part series.

Ang kanyang reaction, “Overwhelming to hear such kind words. I was looking forward to work with them, nagkatatoo na, I am grateful.”