Abante Tonite Interactive

Bayani nagkuripot sa inaanak

538

May ninong story na ibinahagi si Kiray Celis sa grand presscon ng “D’Ninang” na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.

Para sa kanya, malaki ang papel ng mga ninong at ninang sa mga buhay ng kanilang inaanak.

Hindi rin niya makakalimutan ang naging karanasan kay Bayani Agbayani na ninong niya.

“Ako kasi, ‘yong hindi ko makakalimutan na ninong ko ever si Ninong Bayani na never akong binigyan.. Tapos ‘pag nakikita ko siya, simula 4 years old hanggang ngayon, sabi ko ‘Nong, nasaan na ang Pamasko ko?’ never talaga akong nakatanggap sa iyo. Laging sinasabi niya sa akin, na prayers. Kaya ka artista ngayon dahil sa prayers ko. Kaya may bahay ka na dahil sa prayers ko. Tingnan mo ang tuhod ko ang itim dahil sa kapi-pray sa iyo, ganoon siya,” lahad niya.

Gayunpaman, kung hindi man daw siya binusog ni Bayani sa mga materyal na bagay, feeling niya ay blessed siya dahil sa mga panalangin nito para sa kanya.

“Hindi porke’t hindi ka binibigyan ng pera o regalo, hindi ka mahal ng ninong o ninang mo. Iyon ang pinaka-importanteng gift na puwede nilang ibigay sa iyo, ‘yong hindi ka nila nakakalimutan at isinasama ka nila sa prayers nila at nariyan sila kapag kailangan mo ng guidance o advice,” pagwawakas ni Kiray. (Archie Liao)