Abante Tonite Interactive

Bayani tinapatan ang pang-ookray ni Ai Ai

594

Allan Diones

Ang saya ng mga tao paglabas ng sinehan sa pink carpet premiere ng “Fee-lennial (Feeling Millennial)” sa SM Megamall Cinema 4 nu’ng Lunes dahil nakaka-enjoy at ang lakas maka-good vibes ng pelikula.

In all fairness ay patok ang chemistry ng AiNi tandem nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani, na benta ang mga kalokohan at pagpapaka-millennial sa movie.

Hindi sina Ai Ai at Bayani ‘yung typical leading lady at leading man sa isang feel-good romcom movie, pero klik ang tandem nila at maaaliw ka sa tambalan nila.

Riot ang mga ganap nang hindi sinasadyang magka-inlaban ang parehong poser na sina Madame Bato-Bato (Ai Ai) at Chito (Bayani) gamit ang Fee-lennial dating app.

Sobrang havey nu’ng eksenang naglalaitan ang dalawa sa harap ng magsyotang daughter ni Ai Ai at nephew ni Bayani.

In fairness, ‘yung mga pang-ookray ni Ai Ai ay kering tapatan ng mga deadpan na hirit ni Bayani, na bet na bet ng audience na panay ang tawa nu’ng premiere.

Ang haba ng role at ang ganda ng exposure dito ng mga baguhan na sina Arvic Tan (bilang anak ni Ai Ai na si Nico) at Raffy Roque (bilang pamangkin ni Bayani na si Efril), na mas bongga sana kung isang kilalang young love team ang gumanap.

Ang producer na si Pops Fernandez ay may cameo role bilang twin sister ni Ai Ai, habang si Martin Nievera ay may maiksing cameo rin na ang lakas ng impact at tinilian nang husto ng fans.

May short animation part na gawa ni Ram Nievera habang ang kuya nitong si Robin Nievera ang gumawa ng musical score at ‘yung song nitong “Smile” ay ginamit sa eksenang nagti-text-an ang AiNi.

May cameo rin ang darling ni Ai Ai na si Ge-rald Sibayan. Iba pa rin talaga ang husay ni Ai Ai pagdating sa comedy, na sinamahan pa ng kuwelang si Bayani.

Ninenerbiyos ang produ na si Pops dahil hindi raw nito alam kung anong magiging reaksyon ng mga tao, pero na-happy siya nu’ng premiere sa napaka-positive na response ng audience na lahat ay natuwa at pinupuri ang movie.

May future sa come-dy movies ang debuting director nitong si Rechie del Carmen na masang-masa ang humor at may shades of Wenn Deramas.

Sana ay mag-hit ang Graded B ng CEB na “Feelennial” na ngayon ang opening sa mga sinehan nationwide.

Alden ‘di nagpabayad kay Ai

Mahal na mahal ni Ai Ai delas Alas si Alden Ri-chards na anak na kung ituring ng Comedy Queen.

Natuwa si Ai Ai na gumawa si Alden ng movie sa Star Cinema kapareha si Kathryn Bernardo.

Napanood daw ni Ms. Ai ang teaser ng “Hello, Love, Goodbye” at fresh ang dating sa kanya ng pelikula, na kinilig siya at excited na siyang mapanood ito.

Sobrang love ni Ai Ai si Alden na maging siya ay gusto na rin niya itong magkaroon ng love life.

“Kasi, parang pagod na pagod siya sa work. Gusto ko naman meron siyang happiness. Oo, happy siya sa family niya pero iba ‘yung happiness na nabibigay sa ‘yo ng love life.”

Minsan ay binibiro niya raw si Alden tungkol sa love life nito at minsan ay nagsasabi ito sa kanya, minsan ay nagsisikreto, depende sa mood nito.
Kung meron man daw itong nai-share sa kanya ay hindi niya ‘yon sa- sabihin sa iba dahil secret nilang dalawa ‘yon at nagpramis siya.

Kung siya ang pipili para kay Alden, sino ang bet niyang maging girlfriend nito?

“Parang ayokong ma-bash. Puwede, parang awa n’yo naman, please? Huwag naman ngayon, may pelikula ako. Patapusin n’yo muna ‘yung movie at saka ‘yung concert ko, sasagot ako!

“Huwag naman ngayon. Not now, please! Ha! Ha! Ha!” tawa ng Reyna ng Komedya.

Ang sinasabing concert ni Ai Ai ay ang “Ai HEART RCBN” sa Araneta Coliseum on June 24, na ang kikitain ay mapupunta sa pagpapatayo ng Kristong Hari Basilica sa Commonwealth Avenue.

Isa sa mga guest dito si Alden, na agad um-oo kay Ai Ai at hindi nagpabayad. Pangalawa na raw itong pa-benefit concert ni Ms. Ai na kasali si Alden, ‘yung una ay para kay Mama Mary sa MOA Arena.

“The best talaga ‘yang batang ‘yan,” sambit pa ng komedyana patungkol sa Pambansang Bae.