Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 aprub agad sa Senado

0 246

Inaprubahan na sa Senado sa ikatlo at pinal na pagbasura ang panukala na magbibigay ng response at recovery plan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa 22 affirmative votes at isang negative vote, ipinasa ng mga senador ang panukalang Bayanihan to Recover as Once Act o Bayanihan, isang araw matapos hikayatin ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na aprubhan ang panukala.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chair ng Senate finance committee at sponsor ng Bayanihan bill, ang panukala ay magpapalawig na validty ng mga COVID-19 program sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, na nagpaso na noong Hunyo.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglaan ng P140 bilyon standby fund na ilaan para pondohan ang ilang probisyon ng batas sa oras na maisabatas ito.

Bukod pa diyan, naglaan din ng P50 bilyon ang ibibigay sa government financial institutions (GFIs) bilang capital para sa pagbibigay ng low-interest loans sa micro, small and medium enterprises (MSMEs). (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.