Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 bill nakalatag na sa Palasyo

0 66

Nakarating na sa Malacañang ang Bayanihan 2 Bill para mapirmahan ni Pangulon Rodrigo Duterte bilang ganap na batas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bilang standard operating procedure, kailangan munang sumailalim sa masusing review ng mga abugado ng Palasyo ang bill bago ito makarating sa lamesa ng Pangulo para pirmahan ito.

Lahat aniya ng mga enrolled bill na nangangailangan ng pirma ng Presidente ay dumadaan sa masusing review ng Legal Affairs sa ilalim ng Office of the Deputy Executive Secretary bago ito maging ganap na batas.

“Inaasahan po natin ang paglagda niya sa lalong mabilis na panahon, but for standard operating procedure, nasa Office of the Executive Secretary at nire-review po iyan ng Deputy Executive Secretary for legal affairs.,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.