Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 extension aprub sa House panel

0 242

Lusot na sa House Committee on Appropriations ang substitute bill para sa pagpapalawig ng bisa ng Bayanihan to Recover as One Act hanggang Hunyo 30, 2021 sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.

Sa darating na Disyembre 19, 2020 nakatakdang mapaso ang Bayanihan 2 kasunod ng adjournment ng sesyon ng Kongreso.

SM food to go Banner Ad

Ipinaabot ng Department oF Budget and Management sa Kamara na irerekomenda nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang substitute bill para sa pagpalalawig ng bisa ng Bayanihan 2.

Sa ilalim ng nasabing batas, pinapayagan ang pangulo nai-realign ang budget ng mga ahensiya upang pondohan ang pagtugon ng bansa sa pandemya. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.