Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 ipapasa ng Kamara para sa ekonomiya

0 315

Ipapasa ng Kamara ang tatlong mahalaga at magkakaugnay na panukalang batas sa ilalim ng Bayanihan II Act na naglalayong ibangon ang ekonomia ng bansa mula sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang tatlong panukalang batas ay mga prayoridad na bianggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) kamakailan.

Kabilang dito ang ‘Financial Institutions Strategy Transfer (FIST), Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), and the MSME regularization program.’

Sinabi Salceda na inaasahan ng Kamara na ipasa ang tatlo bilang bahagi ng mahalagang bulto ng mga hakbang na tutugon sa lubhang pangangailangan ng bansa. Layunin ng FIST na tulungan ang mga institusiyon sa pananalapi sa pagresolba sa kanilang mga hindi nababayang pautang at inutil na mga ari-ariang kumpiskado bilang kabayaran.

Layunin naman ng GUIDE ang lalong patatagin ang kakayanan ng mga pananalaping institusiyon ng pamahalaan gaya ng Philippine Guarantee Corp., Land Bank of the Philippines, at Development Bank of the Philippines, na magbigay ng mga kaukulang pahiram na puhunan at uba oang ayuda sa mga ‘micro-, small and medium enterprises’ ay iba pang makabuluhang mga negosyo.

Sa SONA ni Pangulong Duterte ang panukalang batas ni Salceda na pinangunahan ng paglikha ng Department of Disaster Resilience Act (DDRA) o HB 0030 ayon bunga ng mga natutunan nito bilang gobernador ng Albay ng siyam na taon.

Ang isa pa niyang panukala na ginawang prayoridad ng Pangulo ay ang binago niyang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act or CREATE (HB 4157) na inaasahang lilikha ng mahigit isang milyong trabaho sa loob ng limang taon at magbibigay ng hugis-V na pagbangon ng ekonomiya simula sa susunod taon kahit magpatuloy pa ang pandemya,

Leave A Reply

Your email address will not be published.