Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 pondo paubos na – Palasyo

0 93

Posibleng hindi na aksiyonan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng Bayanihan 2 para magamit ang natitira pang P18 bilyong pondo sa ilalim ng naturang batas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kalahati ng nabanggit na pondo ay nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM).

Bukas, Hunyo 30, na mapapaso ang Bayanihan 2 subalit sinabi ni Roque na posibleng maipalabas na rin ang natitira pang pondo.

“Kalahati na ng 18 billion ay na-obligate na. So mukha naman pong maski umabot tayo sa end of the month ay kaya namang i-obligate iyong remaining eight billion na lamang na natitira sa Bayanihan 2 so antayin na natin,” ani Roque.

Inihayag ni Roque na walang abiso sa kanya kung may plano si Pangulong Duterte na palawigin ang bisa ng Bayanihan 2 sa pamamagitan ng pagpapatawag ng special session ng Kongreso para magamit ang natitirang pondo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.