Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 pondo pinakalkal sa Kamara

0 100

Naghain ng resolusyon si Deputy Speaker at CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva upang paimbestigahan ang pagkabigo ng mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang lahat ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Arise As One o Bayanihan 2 Law sa kabila ng pangangailangan ng mga Pilipino.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), umabot sa P9 bilyon ang pondo na hindi nagamit sa Bayanihan 2. Niratipika ng Kongreso ang naturang batas noong Agosto 2020 at napaso nitong Hunyo 30, 2021.

Sinabi naman ni CIBAC party-list Rep. Domingo Rivera na malinaw na mayroong pangangailangan na dapat punan ang gobyerno kaya nakakapagtaka kung bakit hindi ginamit ang pondo. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.