Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 road to recovery

0 328

Sa pagpapatuloy ng session ng Kongreso, inaprubahan na sa Senado ang Senate Bill 1564 o Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) para magpatuloy ang pamahalaan sa kanilang pagtugon sa COVID-19 at matulungan ang mga apektadong sektor na makabangon sa epekto ng pandemyang ito.

Ang Bayanihan 2 ay extension ng validity ng COVID-9 program ng pamahalaan sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, na nagpaso na noong nagdaang Hunyo.

Maganda ang layunin ng panukalang batas na ito dahil ginagarantiya nito na magkakaroon ng sapat na pondo para sa COVID-19 at para sa contact tracing.

Dapat lang dahil iyon ang isa sa mahalagang hakbang para mapagtagumpayan itong giyera kontra COVID.

Nakapaloob din dito na mabibigyan ng financial support ang ating mga magigiting na health workers na nahawaan o di kaya’y namatay sa virus na ito.

Sa ilalim ng measure na ito, patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga negosyo at mga manggagawa na naapektuhan ng pandemya, kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs) na nagbalik sa bansa.

May kabuuhang P140 bilyon na inilaan para sa Bayanihan 2 at sana sapat na ito para mapagtagumpayan ang kampanya kontra virus na ito at para makabangon ang lugmok na ekonomiya ng bansa dulot ng krisis na ito.

Maganda ang nilalaman ng batas. May inilaang P10 bilyon para sa pagbili ng PCR testing at extraction kits at supplies ng DOH. Iyon nga lang sana naman magamit ng tama ang pondo para dito at hindi mauwi sa korapsiyon.

Hindi ba’t may alegasyon na noon na nagkaroon ng overpriced sa mga equipment at supplies. Sana naman hindi maulit ito. Mahiya naman sila.

Pinakamahalgang mabigyan ng tulong ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang ito. Sa ilalim ng Bayanihan 2, may P15 bilyon na inilaan para sa cash-for-work program at sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng DOLE.

Bukod diyan, may P17 bilyon na ilaan para sa mga displace worker, kabilang ang probationary, project, seasonal, contractual at casual employees sa private health institutions, tourism, culture and arts, creative industries, construction, public transportation, trade industries, at iba ang sektor bilang unemployment o involuntary separation assistance.

Kasama din sa benefit package ang mga freelancers, self-employed at repatriated OFW.

Naglaan naman ng P50 bilyon para sa government financial institutions bilang capital para mapautang micro, small and medium enterprises (MSME) sa mababang interest lamang.

Maging ang transport sektor ay pinaglaanan ng P17 bilyon para sa intrest rate subsidies at para mabigyan ng pansamantalang kabuhayan ang mga naapektuhang mga manggagawa.

Ang industriya naman ng turismo, ang pinamatinding tinamaan ng pandemya ay makakakuha ng P10 bilyon at bibigyan ng ayuda ang mga negosyong naapektuhan ng krisis na ito.

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maging batas na ito. At sa pamamagitan nito, umaasa ang lahat na makakatulong ito para mapagtagumpayan ang giyera kontra pandemyang at makarekober ang bansa sa epektong dulot nito. Kapit lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.