Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 2 unahing ipasa

0 1,023

Iginiit ng isang mambabatas na dapat bigyan ng prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso an pagpapatibay sa panukalang Bayanihan To Recover as One Act o Bayanihan 2 sa pagbabalik sesyon nito ngayong Hulyo.

Panawagan ito ni San Jose Del Monte City Rep. Florida P. Robes, isa sa mga principal author ng panukala na layunin pa rin tugunan ang COVID-19 pandemic gayundin ang pagkakaloob ng tulong sa mga mahihirap at iba pang sektor na pangunahing apektado ng krisis.

Ayon sa kongresista, mahalaga ang naturang panukala para mabigyan pa ang Pangulo ng kapangyarihan na magpatupad ng mga hakbang upang protektahan at tulungan ang taumbayan sa panahong ito ng pandemya habang wala pang nadidiskubreng gamot o bakuna sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.