Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 3 `di prayoridad ng Senado – Sotto

0 214

Malabong makalusot sa Kongreso ang panukalang Bayanihan to Arise as One Bill o Bayanihan 3 na panibagong stimulus package sa gitna ng nararanasang pandemya sa COVID-19.

Sinabi ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa isang panayam sa radyo nitong Linggo, sa ngayon ay hindi aniya kasama sa mga panukalang batas na prayoridad ng Senado ang Bayanihan 3.

Binigyang-diin pa ni Sotto na kahit sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ay wala siyang natatandaan na pinag-usapan ang Bayanihan 3.

“As a matter of fact, `pag tiningnan mo `yong pinag-usapan namin sa LEDAC ha, unless my memory is failing me, wala akong natatandaang pinag-usapang Bayanihan 3. `Yong aming mini LEDAC nila Executive Secretary [Salvador] Medialdea,” ani Sotto.

Isa pang isyu aniya ay iyong napansin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na marami pang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang hindi pa nagagamit hanggang sa ngayon.

Dagdag pa ng senador na maging ang executive department ay parang nagdadalawang-isip sa Bayanihan 3 dahil sa isyu ng pagkukunan ng pondo para dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.