Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 3 mababasura sa Palasyo

0 152

Malaki ang posibilidad na i-veto lang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang economic stimulus bill o Bayanihan 3 kahit na aprubahan pa ito ng Kongreso, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel `Migz’ Zubiri.

Paliwanag ni Zubiri, kahit ang mga miyembro ng ehekutibo ay nagdududang maipapasa ang P400 bilyong COVID-19 pandemic relief bill dahil sa kakulangan ng pondo.

SM food to go Banner Ad

Sabi pa ni Zubiri, mas mainam pa aniya kung pag-isipan na lang ng Kamara at ng mga nagsusulong ng Bayanihan 3 sa Senado na maglaan ng pondo sa 2021 national budget sa halip magpasa ng Bayanihan 3.

Maging ang National Treasury aniya ay nagsabing wala nang pondo ang gobyerno para sa Bayanihan 3 kaya maaaring i-veto na lamang ito ng Pangulo. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.