Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 3 masyado pa maaga – Malacañang

0 101

Tinawag ng Malacañang na ‘premature’ ang panukala na pagpapasa ng ikatlong Bayanihan Law upang tugunan ang epekto ng pandemya sa ekonomiya.

“Tingan muna natin, gaya ng sinabi ni [Finance] Secretary [Carlos] Dominguez [III], kung anong lalabas dito sa budget na binubuo ngayon sa Kongreso. Kung merong kakulangan, pupuwede naman magpapasa uli ng Bayanihan 3,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ito’y matapos hikayatin ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang mga kapwa mambabatas para ipasa ang nasabing panukala upang suportahan ang mga Pilipino at sektor na apektado ng krisis sa ekonomiya.

“Baka naman kung napaloob na yan sa 2021 budget hindi na po kakailanganin ng Bayanihan 3. Tingnan po muna natin,” dagdag nito. Una rito, pinasa ng Kongreso ang Bayanihan 1 at 2 upang mapabilis ang pagresponde ng Duterte administration sa COVID-19 pandemic. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.