Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 3 pondo pinahuhugot sa savings, utang

0 344

Naniniwala ang isang kongresista na mayroon pang mapagkukunan ng pondo para sa isinusulong nilang Bayanihan 3 upang magpatuloy ang ayuda sa mamamayan habang nasa gitna pa ng COVID-19 pandemya ang bansa.

Sa panayam sa radyo kay Marikina City Rep. Stella Quimbo nitong Linggo, sinabi ng mambabatas na may natitira pa namang pondo ang gobyerno dahil hindi pa nauubos ang inilaang budget sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Bukod sa natitirang pondo sa Bayanihan 2, puwede rin aniyang utangin sa ibang bansa ang dagdag na budget para sa Bayanihan 3.

Matatapos sa Disyembre 19 ang Bayanihan 2 kung kaya’t isinusulong ng ilang mambabatas na palawigin pa ang pagkakaloob ng ayuda sa publiko sa pamamagitan ng pagpapasa ng panibagong batas o Bayanihan 3.

Leave A Reply

Your email address will not be published.