Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan 3 walang pondo – DBM chief

0 213

Problema ng pamahalaan kung saan kukunin ang pondo para sa Bayanihan 3 na ipinasa sa Kamara.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na nakikiisa sila sa layunin ng Kamara na makatulong sa pagbangon ng bansa sa epekto ng COVID-19 pandemya subalit ang problema aniya ay kung may sapat bang pondo ang gobyerno para dito.

Sa ilalim ng Bayanihan 3, kailangan ang mahigit P400 bilyong pondo para magsilbing “lifeline” ng milyon-milyong Pilipinong nagdurusa dahil sa gutom at kawalan ng trabaho sa pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Avisado na nakatakdang magpatawag ng pulong si Finance Secretary Carlos Dominguez III para mapag-usapan kung saan makakukuha ng pondong pantustos sa Bayanihan 3.

Ipinanukala ang implementasyon ng Bayanihan 3 sa tatlong bahagi: ang unang phase ay popondohan ng P165.9 bilyon; ikalawang phase P186 bilyon; at ikatlong phase P48.6 bilyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.