Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan buhay sa pandemya

0 716

Hindi pa man nakakabangon ay panibagong dagok ang kinakaharap ng bansa dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19, isang taon matapos i-lockdown ang buong bansa nakaraang taon.

Pero alam n’yo bang sa kabila ng malawakang kahirapang ating pinagdadaanan dulot ng pandemya ay nakakatuwang marinig ang pangingibabaw ng bayanihan ng maiimpluwensiyang personalidad sa ating lipunan.

Noong panahong tumama ang pandemya sa ating bansa ay kaliwa’t kanan ang pagtulong ng mga bigating negosyante nating kababayan.

Mula sa pera, COVID test kit, PPE, face mask, alcohol, pagkain at iba pang pangangilangan ng ating mga kababayan lalo na ang mga frontliner ay pinagtulungang ibigay ng mga nakakaangat sa buhay nating mga kababayan.

Lahat yata ng bilyonaryo sa ating bansa ay tumulong para maibsan ang hirap na dinaranas ng mga Pilipino lalo na ang mga health worker na sumusuong sa panganib dahil sa pagliligtas sa buhay ng mga tinamaan ng COVID -19.

Ang sama-samang pagsaklolo ng mga bilyonaryo sa gobyerno sa ganitong sitwasyon ay isang patunay na buhay na buhay ang ‘bayanihan’ sa ating mga Pilipino lalo na sa ganitong kagipitan.

True naman na kahit anong hirap basta’t sama –sama ay nakakabangon.

Kaya saludo tayo sa mga nag-donate sa Bayanihan Fund na base sa infographics na inilabas ng CNN ay mahigit sa P8 bilyon na inaabot ang mga kontribusiyon sa Bayanihan fund .

Kabilang sa malalaking pribadong kompanyang Pilipino at Foundations na nakalista na donors ay ang sumusunod: Jollibee ni Tony Tan Caktiong, Udenna Group ni Dennis Uy, Vista Land owner Manny Villar , Aboitiz Group, Metrobank ng pamilya, mga Gokongwei, SM Group, Manny Pangilinan, Araneta Group , San Miguel Corporation ni G. Ramon Ang, Andrew Tan, mga Ayala, Lopez Group, Resorts World, Okada, City of Dreams, National Grid Corporation of the Philippines at iba pang personalidad.

Milyun-milyong halaga ng tulong ang kanilang naibigay na kung pagsasamahin ay bilyon-bilyong halaga na rin at nakatulong talaga sa mga kababayan nating apektado ng pagsara ng ilang mga negosyo.

Maliban sa mga nabanggit na bilyonaryo ay hindi siyempre nagpahuli sa pagtulong ang laki sa hirap na si Senador Manny Pacquiao na ramdam ang pangangailangan ng mga kababayan sa ganitong sitwasyon kaya bukas palad na nagbigay ng tulong lalo na sa mga nawalan ng trabaho.

Sa kabuuan ay naglalaro na sa halos P1bilyon ang naitulong ni Senador Pacquiao at pangalawa ito sa may malaking naitulong sa panahon ng pandemya.

Sabagay batid ‘yan ng mga kababayan nating nabiyayaan ng tulong na kahit sa kabila ng pandemya ay personal na nag-ikot ang senador upang maghatid ng tulong.

Take note pala itong si Sen. Pacquiao lang ang natatanging opisyal ng gobyerno na nasa listahan ng mga donors.

Well, sana masundan ito ng mas marami pang opisyal ng gobyerno para lumaki pa lalo ang Bayanihan Fund dahil mas malaking tulong ang kailangan ng bansa sa harap ng bagong strains ng COVID 19 na nakapasok na sa ating bansa.

Sa iba pang paldong mga politiko, bekenemen may mga sobra kayo diyan aba’y itulong nyo rin sa gobyerno para mas ramdam ng taumbayan ang inyong malasakit, hindi iyong pagsisilid ang inyong naiisip para sa darating na eleksyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.