Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan fund may P13B sa mga jobless – Malacañang

0 76

Sa halip na tulong pinansiyal, cash-for-work program sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act ang ilalarga ng gobyerno para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Mayroon pong P13 billion na inilaan para sa cash-for-work program para sa na-displace na mga manggagawa. Unemployment or involuntary separation assistance para sa mga na-displace na mga manggagawa o empleyado,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Naunang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maraming kompanya ang nag-abiso na magsasara na ng kanilang negosyo dahil hindi nakabawi sa pagkalugi sa ilang buwan na lockdown dahil sa COVID-19.

Inalis na ang Social Amelioration Program (SAP) sa Bayanihan 2 kaya wala nang maaasahang cash aid ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Roque na sa pagkakataong ito ay tutulungan ang mga Pilipino na kumita sa pamamagitan ng mga programa ng gobyerno sa halip na maghintay lamang sa iaabot na ayuda ng pamahalaan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.