Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan sa COVID bakuna, `di kulungan – Ping

0 85

Kailangang umiral ang kultura ng bayanihan at hindi ang takot na maaresto kapag tumangging magpabakuna upang ganap na magtagumpay ang vaccination program laban sa COVID-19, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Aniya, dapat dapat maisip ng publiko na higit na mahalaga ang bakunang kanilang matatanggap dahil siguradong magdudulot ito ng proteksyon, hindi lamang sa kanila kundi sa mga taong makakasalamuha nila at ito naman ay magreresulta sa pagsigla ng ekonomiya.

“We should get vaccinated not so much due to the fear of being arrested if we refuse, but because we have the Bayanihan spirit: we want to do our part to protect those around us, we want to do our part to achieve herd immunity, and we want to do our part to finally end the threat posed by the pandemic on our health and on our economy,” apela ni Lacson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na maaaring ipaaresto niya ang mga matitigas ang ulo na ayaw magpabakuna.

Muli namang umapela si Lacson sa publiko na pagtiwalaan ang mga bakuna laban sa COVID-19, at sa pamahalaan para sa mas maayos na implementasyon ng programa ng pagbabakuna. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.