Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayanihan spirit bubuhayin ng frontliner group

0 196

Pursigido ang isang grupo ng mga frontliner na buhayin ang bayanihan sa panahon ng pandemya kasabay ang apela sa mga community pantry organizers na unahin ang pagpapatupad ng mga basic health protocols bukod sa malinis na layuning makatulong sa mas nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang virtual na panayam ng Lingkud Bayanihan weekly show sa PTV-4, hinimok ni Alvin Constantino, Confederate Sentinels of God (CSG) Inc. founder ang lahat ng may magagandang layunin na mga organizers na mahigpit ipatupad ang minimum health protocols ng Department of Health upang lubos na maproteksyunan ang sinuman laban sa nakamamatay na virus.

“Isipin at pagplanuhan natin mabuti ang itatatag ng community pantry projects upang tunay tayong makatulong sa mga less fortunate at nagdurusa nating mga kababayan,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Huwag nating hayaan na ang kumalat ang COVID-19 sa ating komunidad na maaaring maging sanhi ng kamatayan ng ating mahihirap na kapitbahay. Sinsaluduhan ko po ang ating community pantry organizers. Your hearts are similarly attuned to the hearts of our patriotic Filipino heroes of the past,” diin nya.

Nagpahayag si Dr. Leo Olarte, Bayanihan Frontliners Movement lawyer-president, na sisimulan na nila sa National Capital Region ang nationwide distribution ng mga pagkain at relief goods sa bahay-bahay katuwang ang Department of Social Welfare and Development kasabay ng libreng 24/7 online telemedicine service (www.docph.org)

Ayon kay Dr. Benito Atienza, Philippine Medical Association president, isang joint Lingkud Bayanihan caravan ang kanilang pinasimulan sa Hospital de San Jose Orphanage sa Quiapo, Manila sa at namigay ng pagkain at relief goods sa 450 bata at matatanda kaalinsunod ng online telemedicine services.

“Patuloy po naming bubuhayin ang bayanihan spirit nating mga Pilipino sa tulong ng iba’t ibang samahan. Muli ay bubuksan namin ang PMA auditorium sa North Avenue, Quezon City upang tumanggap ng anumang donations in kind mula sa inyong mga puso,” saad niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.