Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayaning puyat

0 103

‘Di makatulog, pag-aalala at kawalan ng gana sa pagkain. Ilan lang yan sa senyales na ikaw ay stress na o ‘di kaya’y nagkakaroon na ng anxiety.

Paano nga ba ito hinaharap ng ating mga Bayaning Puyat o ng mga Call Center Agents? Sa call center, mapa- customer service o di kaya’y technical support representative position, siguradong mangangawit ang bibig mo sa walong oras na pagsasalita para sa mga nasa voice account at mapupudpod ang mga daliri mo sa walong oras na pagre-reply sa iyong mga kausap para sa mga non-voice accounts.

Dagdag pa rito ang mga quality metrics tulad ng First-Call Resolution, Average Handling time, Call handling at marami pang iba na dapat ay maabot ng isang ahente kada buwan kung hindi ay maaaring magresulta sa pag katanggal sa isang program o tinatawag na account.

Pabiro ng ilan, ‘wag dalhin sa bahay ang trabaho, eh paano kung work-from-home ka? Karamihan sa mga employer ay nagbibigay ng tinatawag na monetary incentives kapag naabot ng isang empleyado ang kanyang metrics sa loob ng isang buwan, ang ilan ay nagpapaunlak ng mga programa upang mabawasan ang stress ng kanilang mga empleyado, katulad na lamang ng mga town hall meetings kung saan binibigyang pagkilala ang mga ahente sa mga ambag nito sa kompanya sa nagdaang buwan.

Ayon sa isang editorial post ng Indeed, sinasabi ng mga eksperto na nakakatulong ang ehersisyo, pagkain ng masustansyang pagkain, paglalakad at pakikinig ng musika upang mabawasan ang stress. Maaari ring komunsulta sa mga doktor kung nakakaranas na ng kawalan ng gana sa pagkain, kakulangan sa pagtulog, pagka balisa at marami pang sensyales nito.

Anumang propesyon mo ay maaaring magbigay ng matinding stress sa atin, mahalagang alagaan ang mental na kalusugan. Ibahagi sa pamilya, partner, at higit sa lahat ay magkaroon ng pananalig sa Diyos dahil habang may buhay ay may pag-asa. Laging tandaan, health is wealth! (With RC Blanco)

Leave A Reply

Your email address will not be published.