Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayaning Tsuper seserbisyo sa mga PWD

0 50

Ilang araw mata­pos ang paghain nito ng certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa May 2022 election, bu­miyahe patungo sa Queen City of the South ang Bayaning Tsuper (BTS) party-list para sa pagkomisyon ng service vehicle na nakalaan sa per­sons with disabilities (PWD).

Nirerepresenta ng party-list sa Kongreso ang mga transporta­tion worker at sinu­sulong rin ang pagka­karoon ng road safety governance at edu­kasyon hinggil dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Atty. Aminola ‘Alex’ Aba­ton, BTS party-list first nominee, nais nilang makakuha ng puwesto sa Kongreso upang matugunan ang mga problema sa road safety.

Gusto rin umano nilang matulungan ang mga espesyal na sektor sa komunidad tulad ng mga PWD kaya sila nagkomisyon ng service vehicle para sa mga ito sa Cebu.

Ang nasabing sasakyan ay libreng magagamit ng mga PWD bilang transpor­tasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.