Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayaw huramentado sa tsismis, kinatay mag-ama

0 89

Pinagtataga ang isang mag-ama sa Himamaylan, Negros Occidental nang dahil umano sa tsismis.

Sa ospital na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sina Merly Lahay-lahay, 48; at ang kanyang amang si Carlos Era, 70.

Kinilala naman ang suspek na si Danny Lahay-lahay, na nabatid na bayaw ng biktima

Sa report, sumugod si Danny sa bahay nina Merly bitbit ang itak.

Ito’y dahil sa akusasyon ng suspek na may nagpapakalat umano ng tsismis na mayroon siyang kalaguyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang sinugod ng bayaw ang nakababatang kapatid ni Merly, pero sumugod si Carlos na sinundan ng isa pang biktima kaya’t sila ang napagdiskitahan ng pananaga ng suspek.

Sa ngayon ay ginagamot ang nakababatang kapatid ni Merly.

Samantala, isang manhunt operation naman ang ikinasa ng pulis para agad na mahuli si Danny.

Hindi naman sinabi sa report kung sino ang nagpakalat ng naturang tsismis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.