Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayaw kinatay sa walwalan, pamangkin dinamay

0 170

Dedo ang isang ama habang malubhang nasugatan ang kanyang anak matapos silang pagsasaksakin ng isang kamag-anak habang nag-iinuman sa Burgos, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Alfredo Decano Sr.

Isinugod naman sa ospital at kasalukuyang nasa intensive care unit ang kanyang anak na kinilalang si Albert Decano na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Sa ulat ng Burgos Police Station, nakipag-inuman si Albert at isa pa niyang kapatid sa suspek na si Danilo Foronda.

Nabatid na bayaw ni Alfredo si Foronda.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lt. Donaldson Pagalanan, officer-in-charge ng pulisya sa Burgos, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan habang nag-iinuman na nauwi sa rambol.

Pumagitna umano si Alfredo upang awatin ang gulo pero sa halip na magpa-awat si Foronda ay inundayan nito ng saksak ang mga biktima.

Napuruhan si Alfredo ng saksak sa dibdib na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naaresto si Foronda makalipas ang ilang oras at kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Burgos Police Station habang inihahanda na rin ang kaso na isasampa laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.