Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bayaw sinakyod, nilubog sa dagat

0 398

Himalang nakaligtas ang isang lalaki matapos saksakin at tagain ng kanyang bayaw at ihulog ang katawan sa dagat matapos magtalo sa laot, Huwebes ng umaga sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na ngayon ay nagpapagaling na sa Margosatubig Regional Hospital na si Eddie Ortiza, 43, mangingisda, ng Barangay Poblacion, Pitogo, Zamboanga del Sur.

Itinuturo naman nitong suspek sa pananaksak at pananaga ang bayaw na si Sirmir Raniera, 37.

Sa salaysay ng biktima sa mga tauhan ng Zamboanga City police, naganap ang insidente alas-7:00 ng umaga habang nasa laot sila ng kanyang bayaw at magtalo.

Sinaksak at tinaga umano ang biktima at sa pag-aakalang patay na ay inihulog siya sa dagat ng bayaw.

Suwerteng may dumaang bangka ng mga mangingisda at nasaklolohan ang biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.