Abante Tonite Interactive

Bayolenteng panaginip

185

Napanaginipan kong nagla-lakad kami ng asawa ko pauwi nang madaanan namin ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo na parang may kaaway na hinahanap.

Kinabahan ako at sinabi ko sa mister ko na wag na kaming tumuloy pero nagpumilit ang asawa ko dahil masama ang kanyang pakiramdam at gusto na niyang makauwi ng bahay. Habang naglalakad kami nagsuka ang asawa ko at nadapa siya sakto naman na naghabulan na ang lalaking amok at ang kanyang kaaway.

Sinaksak ng amok ang mga nadaanan nya kasama na ang mister ko. Nakita ko na lang na karga ko ang anak ko at tumakbo kami papasok sa isang kuwarto. Dahil natatakot ako na masundan ng amok, ibina-baba ko daw sa bintana ang anak ko at doon na naputol ang pana- ginip ko.
Roxanne

Abante Hiring – IT dep

Ang iyong panaginip ay nagpapakita ng karahasan. Nakakita ka ng nag-aamok at nasaksak ang asawa mo. Nakita mo rin ang anak mo at tinangka mong siyang mailayo sa gulo sa pamamagitan ng pagdaanan sana sa bintana.

Ipinapakita ng ganitong bayo-lenteng panaginip na meron kang pinagdaraanan at sa gitna nito ay naghahanap ka ng proteksyon. Sa aktuwal mong buhay, napapaligiran ka ba ng mga kaaway? Nangangamba ka ba na umabot sa puntong maging pisikal na ang away sa anumang sitwasyong iyong pinagdaraanan?

Ang kutsilyo ay indikasyon ng karahasan dahil puwede itong makasakit. Pero ang kutsil- yo ay maaari rin namang gamitin mong pandepensa. Ang kut-silyo ay simbolo rin ng survival at maaari ring gamitin sa pagganti pagganti.

Ang pananaksak ay maaring ikonek kung sa pakiramdam mo ay may taong tumatraydor sa iyo. Pero maari rin itong ikonek kung sa isang sitwasyon ay nasaktan ka sa sinabi o ginawa ng isang tao.

Ang iyong anak at ang iyong asawa naman ay sumisimbolo sa proteksyon. Ito ang mga taong gusto mong protektahan pero maaaring representasyon lamang sila ng iyong sarili kung sa aktuwal na sitwasyon mo ay ikaw mismo ang naiipit at na-ngangailangan ng proteksyon.

Pero kung wala ka namang makitang anumang koneksyon ng mga simbolong ito sa iyong panaginip, hindi masamang ikonsidera na ang iyong panaginip ay bunga lamang ng mga napanood, napakinggan at epek-to lamang ng ating kapaligiran.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.