Abante Tonite Interactive

Bayolenteng panaginip

103

Pwede ask ko lang po about sa panaginip ko na nakakulong kami, madami kami at ‘yung ibang kasamahan ko ‘di ko kilala pero ‘yung iba kakilala ko na dati sa kabataan ko pa. Then, pinalaya ‘yung ibang kasamahan namin at iilan kaming iniwan. ‘Yung ibang mabibigat ang kasalanan pinapahirapan muna bago pinapatay.
May pangyayari pa na tatlo lang kami na nakakaalam at kung ‘di raw aamin ‘yung totoong may sala kailangan naming magpakamatay. Ayaw umamin ng kasama namin kaya naunang nagsakripisyo ang isang kasama ko. Susunod na sana ako pero umamin na rin ang kasama­han ko at naligtas ako sa parusa. Siya ang pinarusahan at habang ginagawa ‘yun pinapanood at pinaparinig sa amin. Nakita kong naputol ang isa niyang braso kaya iyak kami nang iyak. Kasunod nito, isa-isa kaming pumasok sa isang kuwarto para magpunas ng dugo sa mukha niya. Ano po ibig sabihin nito?

 

Ang iyong panaginip ay umiikot sa krimen at karahasan. Kadalasang ikinokonek ang ganitong uri ng panaginip sa pagod, takot, pagkawala ng kumpiyansa sa sarili at iba pang mabibigat na emosyon.

 

Pero madalas na stress ang pinagmumulan ng ganitong panaginip. Halimbawa, sa iyong trabaho ay nakakaramdam ka ng matinding pagkadismaya o kaya ay pakiramdam mo na hindi bilib sa iyo ang mga kasamahan mo at mga nakatataas sa iyo sa trabaho. May pagkakataong nakakaramdam tayo na kulang ang ating kakayahan at kahit anong gawin natin ay hindi natin makuha ang tiwala ng ating mga boss.

 

Related Posts

Kung ganito ang aktuwal mong sitwasyon sa ­buhay, maikokonek mo ang tagpo sa iyong pana­ginip kung saan naghihintay kang maparusahan. Sa panaginip mo, alam mong wala kang kasalanan pero naroon ang guilt feelings. Ang tagpo na nakakulong ka kasama ang ibang tao ay maaari ngang dahil sa sitwasyong pakiramdam mo’y sinusukat ang iyong kakayahan. Puwedeng sa isang relasyon kung hindi pabor ang mga tao sa paligid mo at pakiramdam mo’y hinuhusgahan ka sa iyong desisyon.

 

Puwede ring nag-uugat ang iyong panaginip sa isang sitwasyon kung saan ramdam mong wala ka nang kontrol, wala ka nang pagpipilian o ibang pupuntahan.

 

At dahil bayolente ang iyong panaginip ay posibleng lalo pang magdulot sa iyo ng stress at anxiety o pagkabalisa. Kaya naman mahalagang matukoy mo kung ano ang nag-trigger sa ganitong panaginip.
Pag-aralan ang iyong kasalukuyang sitwasyon at gumawa ka ng mga bagay na makakabawas sa iyong stress. Maglibang o magbakasyon dahil baka napapagod ka lamang sa anumang pinagkakaabalahan.

 

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.