Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BB grabe ang pasabog sa sikat na aktor

0 225

NI: VINIA VIVAR

Ano kaya ang gustong patunayan ni BB Gandanghari sa kanyang bagong rebelasyon sa kanyang YouTube vlog kung saan ay ikinuwento niya ang ‘intimate encounter’ na nangyari sa pagitan nila ng isang kilalang aktor noong 2001?

Ang naturang vlog ay may titulong “I Left My Heart in San Francisco: Who is David and Jonathan?” at malinaw sa kwento niya na ang “David” na tinutukoy niya ay si Rustom Padilla na dati niyang pangalan noong panahong hindi pa siya “out” as gay.

Nagsimula ang kwento ni BB sa rehearsals ng passion play na “Kristo” na ginawa sa Californa.

Idinetalye ni BB ang mga nangyari sa pagitan nina David (Rustom) at Jonathan (co-actor) pagkatapos ng kanilang show kabilang na ang umano’y passionate kiss they shared that night and the following day.

Of course, malinaw rin na ang aktor na tinutukoy ni BB ay isa sa mga kasamahan niya sa Kristo na nakakaloka dahil nilagay niya sa alanganin ang aktor na ‘yun kung sino man ito.

Pagkatapos niyang kaladkarin si Vice Ganda, ex-wife Carmina Villarroel, hipag na si Mariel Rodriguez at mismong kapatid na si Robin Padilla sa mga previous vlogs niya, ngayon naman ay isang kilalang aktor ang dina-drag niya at ginagawan ng issue.

Bakit kailangan niyang mag-ingay ng ganito at idamay ang mga nananahimik? Imagine 2001 pa nangyari ang kuwento niyang ito at maraming panahon na ang lumipas, bakit kailangan niyang ikwento pa ulit ngayon? Para saan? Para pag-usapan siya? Para tumaas ang views ng vlog niya? At the expense of these people na kinakaladkad niya?

Nakakaloka siya, sa totoo lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.