Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BB nag-sorry kina Robin, Cristy, Lolit

0 118

NI: VINIA VIVAR
Sinimulan ni BB Gandanghari ang taong 2021 sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa mga taong aniya’y kanyang nasaktan nitong nakaraang taon.

Sa kanyang YouTube vlog na in-upload last Jan. 1 titled “BB.mornyts vloG #73: BB.uncut Reflections 2020…Countdown to 2021‼️” kasama ang kaibigang si Princess Punzalan via Zoom, ikinuwento ni BB na nagsagawa siya ng 40-day cleansing/fasting at dito ay nagkaroon siya ng pagkakataong himayin ang kanyang buhay, mag-reflect at ma-realize na may mga tao siyang nasaktan.

Matatandaang last year ay sunod-sunod ang YT vlogs ni BB at marami siyang mga sinabi against some people, unang-una na nga sa kanyang kapatid na si Robin Padilla. Nagpahayag din siya ng hindi magaganda kina Ai Ai delas Alas at sa dalawang veteran columnist/writer na sina Lolit Solis and Cristy Fermin.

“May mga nasaktan ako and I don’t know how to reach out and really say sorry. I wanna apologize,” naiiyak na sabi ni BB.

Inuna na niya ang kapatid na si Binoe sa paghingi ng tawad.

“Siguro gusto ko na lang umpisahan kay Robin. Alam ko may mga nasabi ako na pwedeng hanggang ngayon, pwedeng nakasakit sa pamilya niya. Alam ko nakasakit sa pamilya niya, nakasakit sa kanya, nakasakit sa asawa niya. Pinagsisisihan ko lahat yun.

“I shouldn’t have said anything. Kung pwede ko lang burahin, kasi I think it’s really unfair,” emosyonal na wika ni BB.

SM food to go Banner Ad

Nag-apologize rin siya kina Nay Lolit and Nay Cristy.

“May mga panahon din na naging mainit ‘yung palitan, kay tita Lolit at saka kay Cristy Fermin. Gusto ko lang silang banggitin ngayon kasi I must admit I was really quick to react at that time.I was very defensive of what I was hearing or reading,” she said.

Guilty raw siya dahil hindi na raw siya nagbasa at react lang siya nang react.

“Maybe at that time naghahanap ako ng tamang kausap para bigyan ako ng better perspective of what’s going on. Pero wala, eh.

“So I was just really taking it, and then siguro dahil sa pagkukulang ng isang tao, hindi ko nakita ‘yung dapat kong makita in the most level headed way.

“Humihingi ako ng tawad kay tita Lolit kasi hindi ko dapat sinabi ‘yung mga bagay na nasabi ko against her. She doesn’t deserve it. And also, ang totoo, isa siya sa mga nirerespeto ko sa industriya. Nakalimutan ko ang respeto. I’m really sorry,” seryoso pang wika ni BB.

Dagdag pa niya, “the same goes to tita Cristy. Nakalimutan ko ‘yung trabaho nila. I should have respected that.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.