Abante Tonite Interactive

BB. Pilipinas resulta walang hokus pokus — Raymond

0 784

By Rodel Fernando

Naging matagumpay ang ginanap na fashion c­harity gala na tinawag na “The Universe Gives Back” kamakailan sa Marriott Hotel. Tinampukan ito ng 40 kandidata ng Binibining Pilipinas na rumampa suot ang mga magagandang damit na gawa ng mga kilalang fashion designers ng bansa.

Napaka-glamorosa ng naturang event na ito ng Miss Universe Philippines, Binibining Pilipinas groups, and Frontrow Cares.

Very supportive ang isa sa may-ari ng Frontrow na si Raymond ‘RS’ Francisco sa magandang adhikain na ito . Natutuwa siya kapag may natutulungan siya kasama ang partner niyang si Sam Versoza.

Sinabi nga niya habang nagsasalita sa stage sa “The Universe Gives Back” event kasama ang mga Miss Universe na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach ay hindi lang isa o dalawang beses ang pagtulong nila. Hangga’t kaya ng kanilang kompanya ay susuporta sila sa Miss Universe Philippines at Binibining Pilipinas Charities sa kanilang charity events.

Ngayong June 9 gaganapin ang Bb. Pilipinas coronation night. Malakas daw ang laban nina Miss Pampanga Emma Tiglao at Miss Negros Occidental Vickie Rushton.

Naniniwala si Raymond na hindi namamanipula ang resulta ng mga beauty pageant tulad ng sa Binibining Pilipinas.

“Basta maganda ka at may utak, pasok ka tulad nina Pia at Catriona,” deklara niya.