Abante Tonite Interactive

BBL ‘pasasabugin’ ng mga political clan sa Mindanao – Zubiri

By
1,482

Kumbinsido si Senador Migz Zubiri na darating sa Korte Suprema ang usapin ng Bangsa­moro Basic Law (BBL) sa sandaling tuluyan na itong maisabatas.

Ayon kay Zubiri, tiyak siyang aalma ang mga political clan sa Mindanao sa pagsasabatas ng BBL at tatangkain nilang sirain ito upang hindi mapakinabangan.

“I am sure, may magfa-file laban dito sa Korte Suprema ‘pag napirmahan ito ng Presidente. I am sure about it because there are political clans who want to see this derailed. There are certain groups that don’t want to see this approved because this will change the landscape in the autonomous region,” saad ni Zubiri.

Abante Hiring – IT dep

Ipinaliwanag ng senador na sa sandaling maisabatas ang BBL ay mababawasan o mawawalan ng kapangyarihan ang mga poli­tical clan dahil lalakas ang party-list system.

“This (BBL) will empower, under the parliamentary system, this will empower more party-list advocates who believe in women’s rights, on good governance, to be able to take leadership roles, in the Bangsamoro region,” paliwanag pa ng senador.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Zubiri na tatayo ang bubuuin nilang pinal na bersyon ng pa­nukala upang malusutan ang kuwestiyon sa constitutionality nito.

Paplantsahin aniya nila sa kanilang bicameral conference committee meeting ang mga hindi magkakatulad na bersyon sa pagitan ng Senado at Kamara. (Dang Samson-Garcia)