Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM bilang Agriculture Sec

0 114

Tama ang naging pasya ni President elect Ferdinand BBM Marcos Jr. na pansamantalang pangasiwaan ang Department of Agriculture (DA).

Ito ay sa harap ng napipintong krisis sa pagkain sa bansa.

Iba kasi kapag ang isang Pangulo na mismo ang nangangasiwa sa isang departamento dahil mas magiging mabilis ang aksiyon sa bawat programa o pagnanais nito .

Wala ng kailangan pang ipa-apruba kung mismong ang Pangulo na ang namumuno sa DA.

Sa ngayon ay inaasahang magkakaroon ng problema sa ekonomiya sa buong mundo dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na ang pangunahing dahilan ay ang giyera ng Russia at Ukraine ..

Nakasisiguro rin ang publiko na maipapatupad mismo ang pangako ni incoming president BBM na ibaba sa P20 kada kilo ang bigas sa bansa.

Sa ilalim na pangangasiwa ni Agriculture secretary William Dar ay marami ang alegasyon ng katiwalian sa DA lalo na ang walang habas na pag-import ng iba’t ibang produktong agrikultura.

Makakabuting agad itong mapaimbestigahan at mapanagot ang mga papaalis na opisyal ng Duterte administration .
Ang pinakamasaklap na ginawa ng kasalukyang pamunuan ni Secretary Dar ay ang madalas na pag import ng produkto pero hindi naman nararamdaman ng publiko na bumababa ang presyo nito.

Ibig sabihin ay walang positibong epekto ang ang impormasyon at hindi maalis ang duda na pinagkakakitaan lang ito ng ilang tiwaling opisyal kasabwat ang ilang negosyante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.