Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM ‘di maglalaway sa e-sabong kita

0 133

Handa umano si presumptive president Ferdinand Marcos Jr. na kalimutan ang kikitain ng gobyerno sa e-sabong kung makokompromiso nito ang kahalagahan ng pamilyang Pilipino.

Sa isang press briefing ngayong Martes, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson at chief of staff ni Marcos na pinapahalagahan ni Marcos ang pamilyang Pilipino.

“Even if the potential revenue, not just for e-sabong but for any industry, is really enticing, if it will compromise the moral fiber of the youth, if it will compromise the value of Filipino family, president-elect Bongbong is more than willing to let go of that lucrative source of revenue,” sabi ni Rodriguez.

Nang tanungin kung papaano tutugunan ng Marcos administration ang pangangailangan na kumita ng dagdag na P326 bilyon para mabayaran ang inutang sa pagtugon sa pandemya, sinabi ni Rodriguez na makabubuti kung hihintayin na lamang na opisyal ng nakaupo ang susunod na administrasyon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.