Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM `di pauuto sa Tsina

0 83

Inilahad kahapon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang paninindigan na walang isusukong teritoryo ng Pilipinas at hindi magpapadikta kung paanong patatakbuhin ang bansa.

“We do not need to be told by anyone how to run our country,” sabi ni Marcos kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Aniya pa, “There is no room for negotiation there. It is sacred and inviolable.”

Kahit katiting aniya na teritoryo ng bansa sa WPS ay hindi niya papayagan na mawala o makuha ng ibang bansa.

Handa rin makipag-usap si Marcos sa China subalit hindi aniya kinakailangang magkaroon pa ng giyera laban sa mga Chinese para lamang ipaglaban ang WPS.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We talk to China consistently with a firm voice and we say that… hindi naman natin puwede gerahin, ang gusto ba natin gawin ngayon manggegera pa tayo ngayon, papasok pa tayo sa gera that’s the last thing we need right now,” ani Marcos.

Iginiit ni Marcos ang pangangailangan na pag-usapan ang isyu ng WPS at huwag hayaan na lumala ang tensyon sa naturang teritoryo.

Ibinunyag din ni Marcos na bahagyang natalakay ang isyu kay Chinese President Xi Jinping nang tumawag ang huli upang ipaabot ang pagbati sa kanyang panalo sa katatapos na halalan.

Matatandaang 2016 nang ilabas ng Permanent Court of Arbitration (PCC) ang desisyon sa kasong isinampa ng pamahalaan ng Pilipinas ukol sa West Philippine Sea. Pabor sa Pilipinas ang desisyon ng PCC subalit hindi naman ito kinikilala ng China.

Isinantabi naman ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu dahil ayaw nitong mapasabak ang bansa sa isang giyera sa China na aniya’y hindi mananalo ang Pilipinas. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.