Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM `di titira sa Malacañang – Imee

0 122

Inilahag ni Senador Imee Marcos nitong Miyerkoles na hindi sa Malacañang maninirahan ang kanyang kapatid na si President-elect Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Imee na bago pa man aniya manalo ang kanyang kapatid ay nagpahayag na ito na hindi siya maninirahan sa Malacañang.

Ikinuwento pa ng senador na kahit noong mga bata pa sila, panay na aniya ang takas ng kanyang kapatid sa Malacañang.

Matatandaang dalawang dekada naging pangulo ang kanilang yumaong ama kung kaya’t matagal din nanirahan ang mga Marcos sa Malacañang.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Imee, ang mahalaga ngayon ay maibangon ang legacy ng kanilang ama na si dating pangulong Ferdinand E. Marcos.

“Ang importante `yong maahon namin ang pangalan namin, ang apelyido namin, `yong legacy ng tatay ko mabalikan at tingnan nang maigi,” dagdag ni Imee. “`Yong Malacañang… sa totoo lang nanggaling na kami doon. Labis-labis na `yong paninirahan namin don.”

Noong nakaraang buwan, inanunsyo ng kampo ng president-elect na ilan sa pinagpipilian para maging tahanan ni Marcos Jr. ay ang Bahay Pangarap na nasa Malacañang Park. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.