Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM hinamon ng mga magsasaka: Sampolan Chinese gulay smuggling

0 89

Hinamon ng isang mambabatas si President-elect Ferdinand Marcos Jr. na ilatag ang malinaw nitong plano sa pagsugpo ng talamak na smuggling ng gulay sa bansa.

Ipinahayag ito ni Ariel Casilao ng Anakpawis party-list kasunod ng anunsiyo ni Marcos na siya muna ang uupo bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Pinayuhan naman ni Casilao ang mga magsasaka ng gulay na hingin kay Marcos ang mga plano nitong gawin para masawata ang gulay smuggling na nagpapabagsak sa kanilang kabuhayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa aniyang kritikal na usapin ito dahil karamihan sa mga nakukumpiskang smuggled gulay ay galing China habang idineklara ni Marcos ang `friendly relations’ sa naturang bansa at pagturing bilang `strongest partner’ umano sa pagbangon ng Pilipinas.

“Hinihikayat namin ang mga magsasaka ng gulay sa bansa na mag-apela kay Marcos Jr. na sawatain ang smuggling, lalo na ang mga galing China na nagpapabagsak sa kabuhayan ng mga magsasaka,” pahayag ni Casilao.

Aniya pa, dito masusubok kung kanino pabor si Marcos, kung sa mga magsasakang Pilipino o sa mga Chinese exporter at kakutsaba ng mga ito na smuggler sa bansa. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.